Sa init ng panahon samot saring sakit ang naglilitawan hindi mawawala sa mga ito ang heat stroke .Sa pagtaas ng temperatura tumataas din ang bilang ng mga na heheat stroke pinaka madalas makadanas nito ay ang mga taong babad sa initan at mga nagsasagawa ng labis na aktibidad . Nakakaranas naman ng ibat ibang sintomas o senyales ang mga nagkaka heat stroke gaya ng mga halimbawa
•PANANAKIT NG ULO
isa sa mga kadahilan ng pagsakit ng ulo ay ang init kasama narin dito ang pagkahilo
•PAGTAAS NG TEMPERATURA NG KATAWAN
mainam ang pag gamit ng thermometer para matukoy kung tumataas na ang temperatura ng katawan
•PAMUMULA NG BALAT
nagiging mapula ang balat sanhi ng pagtaas ng temperatura sa katawan at kung minsan ay nagiging dry.
•PAGKATUYO NG DILA
dahil sa init na nararamdaman gaya ng pamumula ng balat natutuyo din ang dila
•PAGSUSUKA
tila lalagnatin at nanakit ang tiyan dahil sa pagsusuka
•PAGBILIS NG HEART RATE
bumibilis ang tibok ng pulso dahil sa heat stress na nararanasan kaya apektado ang puso na kung pinsan pa ito ay naninikip
•MABILIS NA PAGHINGA
magiging mabilis o kaya mababaw ang paghinga.
•PAIIBA IBA NG PAGIISIP AT UGALI
pagkalito,pagkakautal,pagkahibang,pagkamainitin ang ulo,seizures at coma ay mga maaring maging resulta ng heat stroke
kinagisnan na ang matatanda ang nakakaranas ng heat stroke .
hindi lamang matantanda ang maaring magkaganito maging ang mga baby ay maaring ma heat stroke ang mga athlete,at mga nsghahanapbuhay sa initan ay maari din tamaan dulot sa init ng panahon.
MERON NGA BANG MGA PARAAN PARA MAIWASAN ANG HEAT STROKE ?
ang sagot ay syempre oo ,ang heat stroke ay isang karamdaman kung saan tumataas ang tempratura ng katawan
kaya naman maraming paraan kung paano maiiwasan ang heat stroke sa panahon ng taginit
TiPS PARA MAKAIWAS SA STROKE
• SAPAT NA PAGINOM NG TUBIG
Sa hindi paginom ng sapat mas malaking tyansang tamaan ka ng heat stroke ang tubig ay nakakatulong upang mapanatili hydrated ang sarili
•IWASANG MAG SUOT NG MAKAKAPAL
ugaliing magsuot ng mga maluluwag na damit at maliwanga ang kulay at tela.dahil ang makakapal na damit ay hinahayaan nito matuyo ang mga pawis sa katawan dumadagdag din ito a pag papainit ng pakiramdam
•IWASAN ANG ALAK
ang paginom ng alak sa gitna ng kainitan ay maslalomg nagpapadagdag ng sakit sa ulo at pagkahilo.Dumadagdag din ito sa pagbibigay init sa katawan
•UMIWAS SA PAGKAKAROON NG SUNBURN
sapagkat maaring nito maapektuhan ang kalagayan
na mas lalong magpapataas ng temperatura ng katawan at pagkakaroon ng sakit sa balat
•HUWAG LUMABAS NG BAHAY PAG TIRIK ANG SIKAT NG ARAW
hangat maari manatili sa loob ng bahay kung matindi ang init ng araw at huwag biglaang pupunta sa lugar na mainit kung hindi ayos ang kundisyon ng katawan
•MAGPAHANGIN
bukasan ang mga bintana sa bahay o i-on ang air conditioning kung sobrang init at hindi na matiis maaring pumunta sa mga lugar na malalamig gaya ng mall,sinehan
•HUWAG MANATILI SA LUGAR NA MAIINIT
iwasang magtagal sa lugar na mainit kung saan halos wala ng hangin gaya sa bahay na mababa ang bubong o kaya sa kotse na nakasardo sa ilalim ng tirik na araw
•LGING MAGING ALISTO
sa oras ng taginit kung dumaranas ng mga kondesyon o sakit gaya ng obese ay dapat laging alerto kung nakakaramdam na ng kakaiba agad tumungo sa lugar na malamig.
ANO BA ANG MGA PAGSUSURI O FIRST AID SA TAONG NA HEHEAT STROKE?
mainam na tumawag agad ng tulong o ambulansya kung nasa ganoong sitwasyon ngunit habang naghihintay ng ambulansya may mga bagay na maaring gawin na tulong sa taong na het stroke
•DALHIN SA MALAMIG NA LUGAR
agad isugod ang pasyente sa luagr na malamig o malilong iwasang palibutan at agad hubadan ng damit na kakasagabal sa kanyang paghinga tulong narin ito para bumaba ang temperatura sa katawan
•IHIGA ANG PASYENTE
dapat ihiga agad ang pasyente upang umayos ang daloy ng kanyang dugo
•PAHIDAN NG MALALAMIG
ipahid sa pasyente ang malalamig gaya ng ice packs ilagay ito sa kilikili,leeg at mga singit ng ubang bumaba ang temperatura ng katawan dahil ito ay may high concentration of blood vessels
•PUNASAN ANG PASYENTE
magbasa ng twalya o panyo napara maipamunas sa pasyente at kung may bulak basain ito at ipahid sa labi.
•KAPAG MAY MALAY NA
kung naalipungatan na ang pasyente dapat itong painumin ng tubig at kung wala pang malay huwag itong painumin.
Napaka imoportante na maalagan natin ang anting sarili lalo na ngayong sa panahon ng tag init ang Heat stroke ay isang seryosong kondisyon na maaring makaapekto sa atin .apektado nito ang ating kilos at utak at kung ating hahayaan nalang maaring humantong ito sa kamatayan.

Comments
Post a Comment