Skip to main content

Mga Pagkaing Pampataba ng Keto Diet


Maaring narinig mo na ang Keto Diet. Isa ito sa mga pinakabagong paraan ng pagpapapayat at maraming naging interesado dito dahil ito lang diyetan nagmumungkahing kumain tayo ng pagkaing pampataba. Nagtakaka ka na ba? Samahan mo kaming alamin kung ano ang diyetang ito at subukan nating sundan ang mga pagkaing iminumungkahi dito.

Ilang dekada ng pananaliksik ang nagpapahiwatig na ang mga pagkaing mataas sa taba pero mababa sa carbohydrates ay may magandang epekto sa katawan. Tinatawag ito ng mga eksperto na keto-friendly. Ang mga pagkain na sa unang tingin ay makakapagtass sa taba sa iyong katawan ay siya ring makakatulong sa iyong kalusugan. Mag nagsasabi na ang ketogenic diet ay may benepisyong hatid hindi lamang para sa mga taong sobrang taba pero para na rin sa may type 2 diabetes, sakit sa puso, epilepsy, at Alzheimer’s disease.

Pero paano ba talaga na ang isang diyeta na puno ng kolesterol at taba ay nagiging mabuti para sa atin? Una muna, dapat mong malaman kung ano ang pagkaing tinutukoy sa kakaibang diyeta na ito. Narito ang listahan:

1. Karne, Manok, at mga Pagkaing Dagat

Mahilig ka ba sa manok, karne, at pagkaing dagat? Kung gayon, magugustuhan mo ang diyetang ito. Alam natin na ang karne, manok, at mga pagkaing-dagat ay nakakapagbigay ng mataas na uri ng protina. Ngunit alam mo ba na naglalaman din ang mga ito ng Vitamin B12? Mayroon din ang mga ito ng iba’t iba pang sustansya tulad ng Iron, creatine, taurine, carnosine, at DHA. Ang mga ito ay sadyang hindi nakukuha sa mga gulay at prutas.

Ang sariwang karne at manok ay puno ng mga bitamina B at iba pang mga mineral, kabilang na ang Potassium, Selenium, at Zinc. Upang makuha ang mga benepisyo sa kalusugan mula sa karne, dapat sa organic farm galing ang mga ito. Ang mga organic na karne ng hayop ay mataas sa Omega 3 at Omega 6, kasama na rin ang iba’t ibang klase ng antioxidants.

Gayunpaman, walang hayop sa lupa ang maaaring makikipagkumpitensya sa dami ng Omega 3 na makukuha mo mula sa isda at iba pang pagkaing dagat. Ang salmon, sardinas, alumahan at iba pang mga matatabang isda ay ang may pinakamataas na antas ng Omega-3. Ito ang dahilan kung kaya’t maraming pag-aaral ang nag-uuganay sa madalas na pagkain ng isda sa mas mabuting kalusugan ng isip at katawan. Nakakabawas din ito sa ating panganib na magkasakit.

2. Sariwang Itlog

Sinong tao ang ayaw sa itlog? Isa ito sa sampung pinakasikat na pagkain ng mga Pilipino. Maaring puno ng kolesterol ang mga itlog pero ito rin ang isa sa pinamasustanyang pagkain sa mundo. Ang pagkain ng itlog ay hindi nakakapagtaas ng mga antas ng kolesterol sa dugo sa karamihan. Sa katunayan, binabawasan nito ang panganib ng sakit sa puso. Ito ang dahilan kung bakit Superfood ang tawag ng ilang eksperto dito.
Ang karamihan sa sustanya ng itlog ay matatagpuan sa pula nito. Halos labintatlong mahahalagang bitamina at mineral at dalwang uri ng antioxidants kabilang na ang Lutein at Zeaxanthin ang matatagpuan dito. Ito rin ang isa sa mga pinakamagandang pagkunan ng Choline.

3. Dalisay na langis ng Oliba

Ang dalisay na langis ng oliba o Virgin olive oil ay malaki ang maitutulong sa ating kalusugan. Sinasabing may anti-inflammatory properties ito na katulad sa gamot na Ibuprofen. Ito ang dahilan kung bakit mainam ang langis na ito sa mga taong nakakaranas ng sakit at pamamaga.

Gayunpaman, dapat na tandaan na ang langis ng oliba ay hindi maaaring gamitin sa temperatura na mas mataas sa 375 degrees Fahrenheit o mawawala ang mga sustansya nito. Dahil dito, dapat na lutuin ito sa mababang temperatura o gamitin ito ng hindi iniinit. Subukang ilagay ito sa iyong mga salad at gulay. Isa itong paraan ng pagdagdagn ng malusog na taba sa iyong pagkain.


4. Keso, Mantikilya, at Krema

Ang nutrisyon na matagpuan sa keso, mantikilya, at krema ay pwedeng makatulong sa ating katawan kung tayo ay sumusunod sa Keto Diet. Sa katunayan, may ilang pag-aaral na nagsasabing ang pag-inom ng gatas at pagkain ng mga nabanggit ay maaaring magpababa ng ating panganib sa pagkakaroon ng stroke at atake sa puso.

Maraming mataas na kalidad ng protina, bitamina, mineral, at linoleic acid ang keso, mantikilya, at krema. Ang kumbinasyon ng mga sustansyang ito ay mahalaga para sa pagpapanatili ng ating lakas kahit tayo ay nagkaka-edad na. Hindi na kailangang marami ang keso, cream, at mantikilya sa Ketogenic Diet. Dahil mababa sa carbohydrates ang mga pagkaing ito, maaari kang makakuha ng makatwirang halaga sa bawat pagkain ng mga ito nang hindi na mag-alala tungkol sa pagkuha ng masyadong maraming carbs.

Mga Dapat Mong Malaman Tungkol sa Keto Diet

Ang Ketogenic Diet ay isang striktong diyeta na hindi dapat isabay sa ibang uri ng diyeta. Kung gusto mong sundan ito, dapat ay masusi mo munang pag-aralan ang lahat ng tungkol dito. Kung pinapayagan kang kumain ng mga maraming karne at pagkaing pampataba ng diyetang ito, dapat mo ring iwasan ang mga pagkaing hindi hindi mo dapat kainin tulad ng kanin at tinapay. Hindi gagana ang Keto Diet kung sasabayan mo ng maraming carbohydrates ang maraming taba. Bagkus, sobrang mapanganib ito sa iyong kalusugan. Mas mabuting imungkahi muna sa eksperto ang pagsunod sa diyetang ito bago mo subukan. Hindi ito makakabuti sa mga taong may kahit na anong uri ng karamdaman.

Kung wala kang pagkakataong kumausap ng eksperto, maaari mong gamitin na lamang ang 7 Days o 15 Days Diet Plan ng HealthyPH. Ang mga gabay sa pagdidiyeta na ito ay ginawa ng mga eksperto sa pagkain at pagpapapayat kaya’t alam naming na lubos na makakatulong ang mga ito sa iyo. Hindi mo na kailangan pang pag-aralan ang kahit ano pang ibang diyeta na tulad ng Keto Diet. Ang aming 7 Days Diet Plan ay ligtas at epektibo. Hindi ka dadalhin nito sa punto ng pagkakasakit kung sakali man na hindi mo striktong masunod ang napapaloob dito.

Kunin ang kopya mo n gaming 7 Days o 15 Days Diet Plan ngayon. Kung mayroon kang mga katanungan tungkol dito, maaari mo kaming kausapin sa pamamagitan ng aming Facebook Page na TheHealthyPH. Hangad namin na tulungan kang maging masaya, malusog, at malayo sa sakit.

Comments